DA, tiniyak na matatag ang presyo ng karne ngayong Kapaskuhan

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na matatag ang presyo ng karne, manok at maging processed meat sa panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reano, mataas ang produksyon ng baboy at manok sa bansa lalo na ang mga backyard farm.

Maganda rin aniya ang presyo ng bawat kilo sa buhay na baboy na aabot sa P92 hanggang P111 sa backyard, habang sa commercial live weight ay nasa P109 hanggang P113 kada kilo.

Binigyang diin pa ni Reano na nakakabuti ang matinding pagbabantay sa paglabas ng karne mula sa slaughter house upang mas lalong kilalanin ang magandang kalidad ng karne.

Speak Your Mind

*