Dagdag presyo sa produktong LPG, ipinatupad ng Petron

Nagpatupad ng dagdag presyo sa produktong Liquefied Petroleum Gas o LPG ang kumpanyang Petron.

Epektibo kanina alas-sais ng umaga (November 2), ang dagdag-presyo na P2.95 sa bawat kilo ng lpg.

Katumbas ito ng mahigit P32.00 sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Aabot naman sa P1.65 ang itataas sa presyo ng AUTO-LPG.

Samantala, inaaasahan naman ang price increase sa ilang produktong petrolyo.

Nabatid na nasa P0.15 hanggang P0.25 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng gasolina; wala o hanggang P0.05 sa kada litro ng diesel; at wala o hangang P0.10 sa bawat litro ng kerosene.

Speak Your Mind

*