Dagdag sahod para sa private sector inihirit muli sa kamara

Muling umapela ng dagdag na sahod sa private sector ang ilang mambabatas kasunod ng nalalapit na paggunita ng itinuturing na lider ng mga ordinaryong manggagawa na si Andres Bonifacio sa November 30.

Giit ni Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, P125 across the board wage hike lang naman ang hinihingi ng mga ordinaryong empleyado at mangagawa sa pribadong sektor.

Ang tanging makikinabang lamang ng husto sa Salary Standardization Law of 2015 ay ang Pangulong Aquino dahil 341% increase ang makukuha nito sa kanyang buwanang sahod o mula sa 120,000 pesos ay itataas na sa 160,924 pesos ang sweldo ng Presidente.

Giit pa ng kongresista na hindi hamak na maliit lang naman ang hirit na 125 pesos na dagdag sahod ng empleyado kumpara sa Pangulo na matagal ng inilalaban ngunit mas inuuna pa ang bill na gusto nito kesa ang kapakanan ng mga tao.

Hamon pa nito sa liderato ng Kamara at sa gobyerno na gusto pa atang mag-protesta sa loob ng Kongreso ang 125 na manggagawa o kaya naman ay magkampuhan sila ng 125 days para lamang maipasa ang HB 253 o 125 wage increase.

Speak Your Mind

*