Dagupan CDRRMC, bibili ng hydraulic equipment sa susunod na taon

Mahalaga ang early warning system sa tuwing may paparating na kalamidad.

Ito ang iginiit ni Ronald de Guzman, ang Officer-In-Charge ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa panayam ng sonshine radio at dagdag nito na kinakailangan ang pagmomonitor sa paparating na bagyo at ang patuloy na koordinasyon sa kanilang katuwang na ahensya ng pamahalaan, barangay at sa mga residente.

Paalala ni de Guzman na kapag may napipintong kalamidad ay mahalaga rin ang kooperasyon ng komunidad na kapag sinabi ng gobyerno na lumikas ay handa na rin ang kanilang mga dadalhin.

Patuloy rin ang pag-a-upgrade ng pamahalaan ng rescue equipment.

Aminado naman si de Guzman na maliit lamang ang pundo ng siyudad kaya hindi mabibili ang lahat ng pangangailangan ng cdrrmc sa isang taon lang.

Sa susunod na taon ay nakatakdang bumili ang CDRRMC ng hydraulic equipment na malaking tulong kapag may aksidente sa daan at nawasak na mga istraktura.

Speak Your Mind

*