Dagupan City Athletic Association Meet, magtatapos ngayon araw

Inaasahang ngayong araw ay magaganap ang Dagupan City Athletic Association (DCAA) Meet 2015.

Ayon kay Paul Balolong, ang Tournament Coordinator naantala ang pagtatapos ng ilang laro sa DCAA gaya ng volleyball dahil sa init ng temperatura lalo na pagpatak ng alas dyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Tiniyak naman nito na mayroon namang mga medical team na nakaantabay para tignan ang kalagayang pangkalusugan ng mga manlalaro at payuhan ang mga ito sa dapat gawin at inumin kaugnay ng nararanasang mainit na panahon.

Ang DCAA Games ay nagaganap ngayon sa City Plaza ng Dagupan

Speak Your Mind

*