Dagupan PNP, nakakumpiska ng ilang patalim sa Catholic cemetery

Kinumpirma ng Dagupan City Police, na mas kaunti ang dumalaw ngayon sa Roman Catholic cemetery kumpara noong nakaraang undas.

Ito rin ang naging obserbasyon ng ilang nagbenta ng pagkain at kandila sa lugar.

Gayunman mahigpit pa rin ang seguridad na ipinatupad ng kapulisan  sa nasabing sementeryo.

Ayon kay Police Senior Inspector Zaldy Tomagos, mayroong mga nakumpiskang matatalim na gamit gaya ng kutsilyo na ito naman daw ay ginagamit na pangkuskos sa maruruming nitso.

Sa kabuuan ay naging tahimik ang kaganapan sa nasabing sementeryo.

Speak Your Mind

*