Dalawampung katao, arestado sa magkakahiwalay na anti-drug raids sa Cavite

Arestado ang dalawampung katao kabilang ang itinuturing na most wanted drug suspek sa magkakahiwalay na anti-drug raids sa lalawigan nang Cavite.

Labing tatlong kabahayan ang ni-raid nang pinagsanib na pwersa nang Cavite Provincial Police Office, Cavite Special Weapons and Tactics, Mobile Patrol Unit, Provincial Anti-Illegal Drug Task Force at Provincial Intelligence Branch, sa lalawigan na ikinaaresto nang nasabing mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang anim na iba’t-ibang klase nang baril, granada, isang revolver, iba’t-ibang uri nang mga bala at mga iligal na droga.

Kabilang sa mga ni-raid nang mga awtoridad ang limang kabahayan sa Dasmarinas, dalawa sa Imus, tag-iisa sa mga bayan nang Silang, Noveleta, Bacoor, Ternate, General Aguinaldo at Naic.

Speak Your Mind

*