Dalawamput apat na aktibista sa Paris, inaresto ng mga awtoridad

Arestado ng mga awtoridad ang may dalawampu’t apat na mga aktibista sa Paris.

Ito’y sa bisa ng State of Emergency na nakataas ngayon matapos ang mga pagsabog sa Paris bilang paghahanda sa gaganaping Paris Climate Talks ngayong linggo.

Isinailalim na ng France Police sa house arrest ang nasabing grupo ng mga aktibista.

Ayon sa France Authority, isa ito sa mga hakbang nang kanilang gobiyerno para maiwasan ang anumang tangkang kilos protesta habang isinasagawa ang Conference of Parties (COP 21) sa Paris.

Tatagal ang ganitong sitwasyon hanggang matapos ang Climate Change Forum na dadaluhan nang may 150 na mga world leaders.

Inalmahan naman ito nang mga abogado at Amnesty International nagpapakita umano ito nang pang-aabuso nang gobiyerno nang France sa ipinatutupad na State of Emergency.

Speak Your Mind

*