Dating heavyweight Champion Wladmir Klitschko, humingi ng rematch

Humingi agad nang rematch si dating heavyweight Champion Wladmir Klitschko matapos maagaw sa kaniya ni British Boxing Champ Tyson Fury  ang titulo sa WBA / WBO / IBF Heavyweight Division.

Sa kanilang laban, pinaboran si Fury nang tatlong hurado na naging dahilan para maagaw nito kay Klitschko ang titulo.

Ayon kay Klitschko, naayos niya nang muli sa kampo ni Fury ang kanilang posibleng rematch.

Sinabi ni Klitschko na nagulat siya sa ipinamalas na liksi at bilis ni Fury sa kanilang laban.

Sa ngayon ay may 64 wins at apat na talo na si Klitschko.

Pinatunayan din ni Fury na hindi pa siya mahina sa larangan nang boxing.

Speak Your Mind

*