Demand sa karne ng baboy sa Livestock Market ng Mangaldan, tumaas

Tiniyak ng namamahala ng livestock market sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan na sapat ang suplay ng baboy ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Flora Serrana, ang oic ng Livestock Market na karamihan ng kanilang suplay ngayon ay inaangkat sa Ilocos Region at Mindoro.

Kaunti pa lamang ang suplay na galing sa mga local hog raisers.

Marami na ang kumukuha ng baboy sa livestock market kaya pahirapan na rin ang pagbili.

Inaasahan naman na sa susunod na mga araw ay tataas pa ang demand sa pangangailangan sa baboy.

Sa ngayon ay wala pang pagtaas sa presyo ng baboy na 180 pesos kada kilo.

Speak Your Mind

*