DENR-EMB, ipinanawagan na ipagbawal ang paggamit ng styrofoam

Hinihikayat ng Department of Environment and Natural Resources –Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng batas kaugnay sa pagbabawal ng paggamit ng styrofoam.

Sinabi ni Venus Junio, ang Chief for Environmental Education ng DENR-EMB Region One sa naganap na Kapihan sa Ilocos na dapat bigyan din ng ngipin ang ordinansa.

Giit nito na nakasaad sa DENR Implementing Rules and Regulations na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa ng non-environmentally materials.

Hindi naman aniya nagkukulang ang DENR sa pagpapaliwanag ng batas sa mga mamamayan ngunit hanggang ngayon ay may mga gumagamit pa rin ng styro dahil sa mura ang presyo nito.

Hiling ng DENR-EMB sa mamamayan na huwag bumili ng styro at pag-aralan ang epekto nito sa kalusugan at sa kapaligiran.

Inihalimbawa naman ni Junio na kapag nagpapa-seminar ang mga ahensya ng gobyerno ay styrofoam ang kanilang ginagamit.

Dapat aniya na lahat ay magkaisa at magtulungan para hindi na makita sa pamayanan ang styrofoam.

Speak Your Mind

*