Donnie ‘Ahas’ Nietes, ayaw daw lumaban kay Roman Gonzalez ng Nicaragua

Mismong si Filipino World Light Flyweight Champion Donnie ‘Ahas’ Nietes umano ang ayaw labanan si ‘Pound-for-Pound’ King Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua.

Ito ang inihayag ng 28-anyos na Nicaraguan na tumalo kay dating two-division Titlist Brian ‘the Hawaiian Punch’ Viloria noong Oktubre 17 matapos silang magkita ni Nietes sa Mexico.

Nauna nang sinabi ng 33-anyos na si Nietes na plano niyang umakyat sa flyweight class para hamunin si Gonzalez.

Ngunit sa pinakahuling pahayag ni Gonzalez ay tila hindi seryoso si Nietes sa kanyang gustong gawin.

Kung ayaw naiya siyang labanan ni Nietes ay target ni Gonzalez na muling makipagtuos kay Mexican Francisco Estrada, humahawak sa WBA at WBO Flyweight titles.

Speak Your Mind

*