DOTC, aminadong sangkot sa pangingikil ng mga pasahero sa NAIA ang ilang tauhan ng OTS

Inamin ni Transportation Secretary Jose Emilio Abaya na sangkot ang ilang tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) sa dalawang extortion case bunsod ng kontrobersiya ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ni Abaya na hindi nagpapabaya ang mga imbestigador para alamin ang puno’t-dulo ng mga insidente ng tanim o laglag bala sa paliparan.

Dahil dito, ipatutupad na ang “No Touch Policy” sa mga bagahe ng mga pasahero ng mga tauhan ng naia.

Ito ayon kay abaya ay upang hindi mapagdudahan ang mga tauhan ng paliparan na sila ang nagtatanim ng bala sa mga bagahe ng mga pasahero.

Maliban dito, sinabi ni Abaya na naglalagay na sila ng mga karagdagang CCTV Camera’s sa NAIA.

Sinabi pa ni Abaya na pinalalaki lamang ng media ang insidente dahil kung tutuusin 0.004 percent lamang ang kasong nahulihang may dalang bala sa mga pasahero na dumadaan sa mga paliparan sa bansa.

May kabuuang 53.3 milyong pasahero ang dumadaan aniya sa mga airport sa bansa kung saan 24.2 milyon dito ang dumadaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Speak Your Mind

*