DOTC, inatasan ni PNoy na pamunuan mismo ang imbestigasyon sa tanim-bala

Ipinag-utos ng Malakanyang ang masusing imbestigasyon kaugnay sa “tanim bala” na patuloy na nambibiktima ng mga pasahero sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nababahala na si Pangulong Noynoy Aquino sa sinasapit ng mga pasahero na sumasakay ng eroplano mula sa mga mapagsamantalang staff ng paliparan na nangongotong sa mga biktimang pasahero.

Kaugnay nito, inatasan ng pangulo si DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na pangunahan ang pag-iimbestiga sa mga insidente ng “tanim bala” na ang pinakahuling biktima ay ang isang engineer na nakitaan ng bala sa kaniyang bagahe sa Davao International Airport.

Naging viral din ngayon sa social media ang larawan ng isang pasaherong binalot sa plastic ang kaniyang bagahe na may nakasulat na pag-apela sa mga staff ng paliparan na huwag lalagyan ng bala ang kaniyang bagahe.

Speak Your Mind

*