DPWH, patuloy ang pagputol ng puno sa Manila North Road

Nag-umpisa na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) third engineering district sa pagputol ng puno na nasa road right of way ng Manila North Road (MNR) project.

Ito ay matapos makakuha ang DPWH Regional Office ng extension ng special tree cutting permit.

Ang DPWH-third engineering district ang naatasan na magsagawa ng pamumutol.

Ayon kay Engr. Narchito Arpilleda, ang PIO ng DPWH-third enigneering district binigyan sila ng extension na putulin ang mahigit 500 na puno sa mnr hanggang December 16 ngayong taon.

Patuloy pa rin naman sa pagtuligsa ang mga environmentalist sa nabanggit na pamumutol ng puno sa naturang lugar.

Speak Your Mind

*