DTI, binigyang babala ang mamamayan sa mga panloloko sa text

Pinag-iingat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mamamayan sa mga mapag-linlang na operasyon ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Ayon kay DTI Provincial Director Peter Mangabat, kabilang na sa modus na dapat huwag basta-basta paniwalaan ay ang natatanggap sa pamamagitan ng text.

Binigyang diin ni Mangabat na kapag ang text ay mula sa eleven digit number ay magduda na.

Kabilang sa mga text scams ay ang paghingi ng load, ang pagkakapanalo ng libo-libong halaga ngunit hihingan pa ng processing fee ang nakatanggap ng mensahe at mayroon ding text na ibinabalita ang nakatanggap nito na nanalo ng pera o sasakyan pero wala namang sinalihang promo.

Sinabi ni Mangabat na kapag may nakitang DTI permit number sa text ay malamang na gawa-gawa lang ito.

Dagdag ni Mangabat na ang lehitimong promo ay manggaling dapat sa tatlo o apat na digit code at makakatanggap ng registered mail ang mga ito.

Speak Your Mind

*