DTI, magpapatayo ng negosyo center sa Eastern Pangasinan

Ramdam ng maliliit na negosyante ang malaking ginhawa sa pagkakaroon ng Negosyo Centers sa lungsod ng Alaminos at Dagupan.

Ito ang kinumpirma ni Natalie Dalaten, ang Chief Trade and Industry Development Specialist ng Department of Trade and Industry (DTI)-Pangasinan kasabay ng paghikayat sa iba pa na tangkilikin ang serbisyo ng Negosyo Centers.

Ang mga serbisyong inihahatid sa mamamayan ng Negosyo Center ay gaya ng pagproseso ng rehistrasyon at renewal ng business name.

Mayroon ding ibang ahensya ng gobyerno na katuwang ng DTI sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan, lalo na sa mga maliliit na negosyante.

Sa DTI Negosyo Center ay tinuturuan rin ang mga negosyante o mga gustong mag-umpisa ng negosyo ng wastong product packaging at labeling, skills training at iba pa para mapa-unlad ang kanilang produkto.

Para lalong mailapit ng dti ang serbisyo nito sa Eastern Pangasinan ay pinaplano ng ahensya na magtayo ng Negosyo Center sa bayan ng Rosales.

Speak Your Mind

*