DTI, minomonitor ang mga pekeng ICC Sticker sa Christmas lights

Puspusan ngayon ang pagmomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga christmas lights na posibleng nilagyan ng pekeng Import Commodity Clearance (ICC) sticker.

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, ang Provincial Director ng DTI-Pangasinan tinututukan nila ngayon ang mga malls, pamilihang bayan at tianggehan na nagbebenta ng christmas decors.

Sinabi ni Mangabat na ang point of entry ng mga christmas lights ay sa manila kaya maaaring duon nanggaling ang mga pekeng ICC Sticker.

Giit nito na ang orihinal na ICC Sticker ay may serial number.

Payo ng dti na kapag bumili ng christmas lights bukod sa ICC Sticker ay tiyakin rin na makapal ang wire at hindi bumabaluktot ang metal plug ng produkto.

Speak Your Mind

*