DTI-Nueva ecija, binabantayan ang mga substandard na mga christmas lights

Mahigpit nang binabantayan ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga tindahan at establisimentong nagbibenta ng mga substandard na mga christmas lights.

Ito ang ipinahayag ni Romeo Eusebio Faronilo, OIC-Division Chief ng DTI-Nueva Ecija sa isinagawang forum at moa signing ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at ng programang kapartner ng bayan ng DWAY Sonshine Radio Cabanatuan.

Aniya, anumang araw sa linggong ito ay darating na sa kanilang tanggapan mula sa DTI Head Office ang pinakabagong listahan ng mga pasadong brands at suppliers ng christmas lights sa bansa partikuar dito sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil parami na nang parami ang bumibili ng christmas lights habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan.

Aniya, sa oras na matanggap na ng kanilang ahensya ang nasabing listahan, pormal na nilang uumpisahan ang kanilang kampanya laban sa mga substandard na mga christmas lights.

Speak Your Mind

*