Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa ikatlong bahagi ng taon

Lumago ang ekonomiya ng bansa ng anim na porsyento mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon mula sa 5.6 porsyento noong unang kwarter.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Arsenio Balisacan, malaki ang naimbag ng Services Sector sa nasabing paglago.

Punto pa ni Balisacan, ibig sabihin ng nasabing paglago ng ekonomoya ay tagumpay ang gobyerno sa pagdaragdag ng kanilang expenditures taliwas sa nangyaring underspending noong mga nakaraang buwan.

Umaasa si balisacan na maaabot ang target na 6.9 growth sa huling kwarter ng taon para makamit ang six percent full year growth.

Sa 2016 naman ay target ng neda ang pito hanggang walong porsyentong paglago sa ekonomiya.

Speak Your Mind

*