El nino, malaking banta sa kalusugan ng mamamaya sa Africa

Pinaghahandaan na ngayon ng United Nations ang posibleng maging epekto sa kalusugan ng mga mamamayan sa patuloy na lumalalang el niño sa bahagi ng silangan at sa dakong timog ng Africa.

Ayon sa Unicef, nababahala sila sa posibleng gutom na maranasan ng mga kabataan sa rehiyon.

Dahil rito, nasa 8.2m katao sa Ethiopia ang nahaharap sa food insecurity, kasama na rito ang 350,000 kabataan na nangangailangan nang gamotin dahil sa severe acute malnutrition.

Samantala, hindi naman umano nagpapabaya ang gobierno ng Ethiopia sa pagsiguro na walang mamamayan ang mamamatay dahil sa gutom o kakulangan ng pagkain sa kasagsagan ng El Niño.

Speak Your Mind

*