Elasto Painters, solo lead na sa PBA Standings matapos pataubin ang Beermen

Muling pinatunayan ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang tibay matapos pataubin ang koponan ng San Miguel Beer  sa kanilang laro kagabi sa PBA na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Humataw sa second half ang Rain or Shine para malamangan at matalo ang Beermen sa iskor na 99-84.

Sa ikatlong panalo ng Elasto Painters ay nakuha na nito ang solo lead sa Philippine Cup Standings.

Samantala, bumagsak ang Beermen sa unang pagkakataon sa tournament matapos makakuha lang ng 2-1 standings.

Speak Your Mind

*