Fat Run, inilunsad sa Alaminos City bilang bahagi ng Sports Festival

Inumpisahan ngayong araw ang fat run sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.

Ito ay bahagi ng sports festival na taunang itinataguyod ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Miguel Sison, ang head ng City Tourism Office, ang Fat Run ay para sa mga lalaking may bigat na 80 kilograms at babaeng may bigat na 60 kilograms, kahit anumang edad.

Layon ng programa na magkaroon ng pagkakataon ang mga overweight na alaminians na mas pahalagahan ang kanilang kalusugan.

Sinabi ni Sison na libre ang  pagpaparehistro para sa mga nagnanais sumali sa fat run.

Gayunman, kinakailangan aniya na magdala at magpakita ang mga ito ng sertipikasyon mula sa City Health Office na physically fit silang tumakbo.

Ang mga lalaking kasali sa Fat Run ay limang kilometro ang tatakbuhin  mula sa Lucap Warf habang tatlong kilometro naman ang tatakbuhin ng mga kababaihan na magmumula naman sa arko ng barangay Lucap hanggang sa finish line sa Bonifacio Monument sa city proper.

Ang Alaminos City Government Sports Festival ay magtatagal hanggang sa Disyembre.

Speak Your Mind

*