FBI, tinanggihan sa alok na pag-imbestiga sa pagbagsak ng isang Russian Plane

Binalewala ng mga bansang Egypt at Russia ang alok ng Federal Bureau of Investigation (FBI) para tumulong sa imbestigasyon sa sumabog na Russian Airlines sa Sinai Peninsula na ikinasawi ng may 224  katao.

Ayon sa isang U.S. Intelligence, napag-alaman na tinaniman ng bomba ang Airbus A321 flight 9268 na siyang sanhi ng pagsabog nito.

Nauna na ring inamin ng militanteng grupo na konektado sa ISIS, na sila ang nagpabagsak sa naturang eroplano.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang mga imbestigador nang Russia at Egypt sa naging dahilan ng plane crash.

Speak Your Mind

*