Free vaccination laban sa hpv, patuloy na isinusulong ng MHO Sto. Thomas

Puspusan ang kampanya ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Sto. Thomas, Pangasinan sa kanilang kampanya na libreng bakuna o free vaccination laban sa Human Papilloma Virus o HPV.

Ayon sa MHO Officer na si Dr. Nesto Carino, sinusuyod nila ang lahat ng barangay upang mabakunahan ang mga batang babae na edad sampung taong gulang upang makatiyak na kalusugan ng mga ito.

Sinabi pa ni Carino na mahalagang mabakunahan ang mga bata dahil ang HPV ay nagdadala ng virus na kung hindi maiiwasan ang posibleng mauwi sa nakamamatay na cervical cancer.

Patuloy naman na hinihikayat ng MHO ang publiko na magkusa na sa pagpapabakuna lalo limitado lamang ang kanilang nakukuhang stock dahil sa may kamahalan ang presyo nito.

Speak Your Mind

*