Gaganaping Agri Fair sa Dagupan City, handang-handa na

Magkakaroon ng Agri Fair 2015 sa lungsod ng Dagupan sa December 9 hanggang 10 sa Senior Citizen’s Park.

Tampok sa Agri Fair ang mga produktong ginamitan ng organikong pataba.

Bukod sa mga gulayan sa paaralan, na taunan nang exhibitors ay bukas din ang aktibidad para sa mga nagnanais lumahok mula sa karatig bayan at probinsya.

Bilang pagkilala at pasasalamat sa mga exhibitors ay magkakaroon ng search for best exhibitor.

Para sa mga mananalo ang first prize winner ay mag-uuwi ng 10,000 pesos, 7,000 pesos naman ang pumapangalawa, 5,000 pesos para sa ikatlong pwesto at may conolation prize din na 1,000 pesos.

Ayon kay City Agriculture Officer Emma Molina, ang mga exhibitors ay pinapayagang magbenta ng kanilang produkto pero hinihikayat ang mga ito na gumamit ng mga gawa sa papel na produkto sa pagbabalot at kung maaari ay minimal lamang ang paggamit ng plastik.

Tiniyak ni Molina na walang gagastusin ang mga exhibitors, at ang babalikatin lamang ng mga ito ay ang pagpapaganda ng kanilang mga booth.

Speak Your Mind

*