Gary Valenciano, isa sa ninong sa kasal ni Nikki Gil

Hindi man nakatuluyan ni Nikki Gil si Gab Valenciano, hindi kailanman naputol ang kanyang magandang relasyon sa pamilya ng kanyang ex-boyfriend.

Katunayan, mismong ang ama ni Gab na si Gary Valenciano ang isa sa mga tumayong ninong sa kasal ni Nikki sa negosyanteng si Francis Benjamin Jerome “BJ” Albert.

Tuwang-tuwa naman si Gary at nasaksihan niya kung gaano kasaya si Nikki sa kanyang napangasawa.

Bukod kay Gary, tumayo ring ninong sina Jose Mari Chan at manager ni Nikki na si Arnold Vegafria na dinaluhan din ng mga close friends niya sa showbiz kabilang sina Richard Poon, Maricar Reyes, Erik Santos at Iya Villania na best friend ni Nikki.

Speak Your Mind

*