Gilas Pilipinas, todo na ang paghahanda para sa nalalapit na Olympic Qualifiers

Todo na ang paghahanda ni Coach Tab Baldwin nang Gilas Pilipinas para sa nalalapit na olympic qualifiers sa Hulyo sa susunod na taon.

Magsisimula na ngayong araw ang pag-eensayo nang lahat na napabilang sa 17 man-pool nang national team.

Sinabi ni Coach Baldwin na malaking pribeliyo sa isang manlalaro ang mapabilang sa 17 man pool.

Dahil dito, dapat aniyang patunayan nang bawat isa ang kanilang galing sa pamamagitan nang magandang pergormance sa kanilang mga nakatakdang ensayo na gaganapin tuwing araw nang lunes.

Aabot nang pitong buwan ang pag-eensayo nang grupo para maibahagi at mapabuti nila ang sistemang inihahanda.

Mula sa 17 man pool ay pipili nang 12 man team na kakatawan naman sa National Team.

Speak Your Mind

*