Golden State Warriors, gumawa ng kasaysayan sa NBA

Gumawa ng kasaysayan ang Golden State Warriors ng tambakan ang Los Angeles Lakers sa kasalukuyang NBA Season.

Umakyat na sa 16-0 ang record ng Warriors na kauna-unahan sa kasaysayan ng NBA.

Nalampasan nito ang 15-0 record ng Houston Rockets noong 1993-1994 at ng Washington Capitols noong 1948-1949.

Pinangunahan ni 2014 NBA MVP na si Stephen Curry ang kanyang koponan sa kanyang dalawampu’t apat na puntos at siyam na assists.

Naitala naman ng Lakers ang 2-12 win-loss record na ikalawa sa worst record sa liga.

Speak Your Mind

*