Higit 25,000 mahihirap na pamilya sa Pangasinan, naka-enrol sa Point-of-Care Program

Kinumpirma ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) na aabot na sa mahigit 25,000 mahihirap na pamilyang pangasinenses ang naka-enrol sa point-of-care (POC) Program.

Sinabi ni Dr. Anna de Guzman, ang Provincial Health Officer sa naganap na fifth annual Pangasinan health summit na 25,679 pamilya ang enrolled sa POC Program mula marso noong 2014 hanggang Hunyo ngayong taon.

Ang POC ay nasa ilalim ng universal health care, na dinesenyo para mapaigting ang no balance policy at no payout from the pocket sa mga pampublikong ospitals.

Aabot sa 60 million pesos ang pundo na inilaan ng provincial government kada taon para sa nasabing programang pangkalusugan habang ang aktuwal na binabayaran naman na premium ay umabot pa sa higit 61.6 million pesos.

Speak Your Mind

*