Higit 50 kilos ng mishandled frozen meat, nakumpiska sa Urdaneta City

Pinaigting ng National Meat Inspection Services (NMIS) ang ginagawang monitoring ng pagbebenta ng frozen meat sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Regional Director Eduardo Oblena, sa kanilang muling pagbabalik sa palengke ng Urdaneta City ay higit limampung kilo ng frozen meat ang kanilang nakumpiska sa dalawang pwesto.

Sinabi ni Oblena na binabalikan nila ang mga nasabing pwesto at pareho pa rin ang kanilang pag-handle sa ibenebentang frozen meat kaya kinumpiska na nila ito.

Dagdag ng NMIS na mahalaga na panatilihin ang proper handling sa mga ibenebenta upang iwas food poisoning o food borne infection.

Giit ni Oblena na ang tanging hangad ng nmis ay protektahan ang mga mamimili kaya pinalakas nila ang kanilang monitoring lalo na ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Ang mga nakumpiskang frozen meat ay ibinaon matapos magpa-blotter sa police station .

Speak Your Mind

*