Higit 65,000 botante sa Pangasinan, hindi makakaboto – Comelec

Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na hindi makakaboto sa May 16 election ang mahigit 65,000 botante sa Pangasinan matapos hindi makapag-biometric ang mga ito.

Ayon kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor ng Comelec-Pangasinan na nabigyan ng mahabang oras ang mga hindi nakapag-pa-validate para pumunta sa kanilang opisina.

Ang iba naman ay pumunta sa opisina ng Comelec sa huling araw ng pagpaparehistro at pagpapa-validate nitong Oktubre a-trentay uno ngunit hindi na nakahabol sa takdang oras.

Sa buong rehiyon uno ay nanguna ang lalawigan ng Pangasinan na may pinaka-mataas na bilang ng mga hindi nakapag-pa-biometric.

Matatandaan na ang kampanya at pagtanggap ng Comelec ng aplikasyon para sa pagpaparehistro, transfer at pagpapa-validate ay inumpisahan noong May 2014.

Speak Your Mind

*