Panuntunan para sa online campaigning, posibleng ilabas ng Comelec

Dahil na rin sa malakas na impluwensya ng social media, pinag-aaralan na ngayon ng commission on Elections o Comelec kung kaylangang magkaroon ng hiwalay na panuntunan o guidelines para sa online campaigning.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez Noon pang 2013 elections, nakita na nilang posibleng maging isang social media elections ang 2016.

Noong nakaraang eleksyon kasi, naging malaya ang mga pulitiko na gamitin ang social media upang makapangampanya.

Posibleng ilabas ng Comelec ang guidelines para sa online campaigning ngayong buwan ng disyembre.

Speak Your Mind

*