Hybrid seeds, ibibigay sa mga magsasaka na apektado ng bagyong Lando

Pinapayuhan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa Region 3 na hindi pa makapagtanim ng palay na magtanim muna ng mais at ibang root crops.

Ayon kay Regional Director Andrew Villacorta, may mga buto sa kanilang opisina para sa mga apektado ang kanilang pananim ng bagyong lando.

Dagdag ni Villacorta na magbibigay rin ang DA ng 33,000 sako ng hybrid seeds sa mga magsasaka na nasira ang kanilang pananim sa pananalasa ng bagyo.

Ang nabanggit na mga buto ay bukod pa sa buto na ipamimigay ng ahensya sa ilalim ng High Yielding Technology Adaptation (HYTA) Program.

Sa Central Luzon na binubuo ng pitong probinsya ay nakapagtala ng mahigit 226,000 ektarya ng taniman ng palay ang apektado ng bagyong lando.

Sa nabanggit na ektarya ay mahigit 28,000 ang totally damaged habang higit 198,000 ektarya naman ang partially damaged.

Speak Your Mind

*