Ikatlong paghaharap ni Bradley at Pacquaio, pinag-iisipan na ni Bob Arum

Napabilib si Top Rank Promotions CEO Bob arum kay Timothy Bradley, Jr. matapos nitong pabagsakin si challenger Brandon Rios sa ninth round ng kanilang laban kahapon sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Matatandaang ginulat ni Bradley si Pacquiao sa pamamagitan ng split decision victory noong 2012 bago natalo sa kanilang rematch noong 2014.

Ayon kay Arum, ito na ang pinaka-best na laro ni Bradley na kanyang nakita.

Dahil dito, ang pangatlong laban kay Bradley ang magiging opsyon ni arum sakaling hindi maplantsa ang bakbakan nina Pacquiao at Amir Khan.

Ang kampo ng 28-anyos na si Khan ang kasalukuyang kinakausap ni Arum para sa magiging pinakahuling laban ng 36-anyos na si Pacquiao sa Abril 9, 2016.

Speak Your Mind

*