‘Ikaw’ ni Yeng Constantino, ‘Song of the Year’ ng Star Awards for Music

Nasungkit ng singer na si Josephine “Yeng” Constantino ang pinakamataas na parangal sa Star Awards for Music.

Ito’y matapos igawad sa 26-year-old singer ang awiting “Ikaw” bilang Song of the Year.

Hindi rin naman nagpahuli ang comedian/host na si Vice Ganda na humakot ng parangal kabilang ang Novelty Song of the Year (“Boom Panes”), Concert of the Year, at Male Concert Performer of the Year.

Nag-tie naman sila ng rapper na si gloc-9 sa male Recording Artist of the Year Award.

Nasungkit din ni Celestine “Toni” Gonzaga ang Album of the Year, ni Sarah Geronimo bilang Female Recording Artist of the Year at si Darren Espanto ang Pop Album of the Year

Speak Your Mind

*