Ilan miyembro ng Gilas Pilipinas, absent sa ikalawang ensayo ng koponan

Siyam lamang ang nakapagsuot ng practice jersey dahil sa kakulangan ng mga players sa ikalawang practice session ng Gilas Pilipinas sa Meralco Gym sa Pasig noong Lunes ng gabi.

Wala sina June Mar Fajardo at Marc Pingris dahil sa kanilang SMC commercial shoot kasama si host/comedian Vic Sotto, habang may injury naman sina Ian Sangalang at Ranidel de Ocampo.

Hindi rin dumating sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Paul Lee at Jeff Chan.

Samantala, muling kinuha ng Gilas si Talk ‘N Text Fil-Am rookie Moala Tautuaa bilang backup naturalized player na puwesto ni Andray Blatche

Sa light workouts ay muling nakasama ni Tautuaa sina Gilas regulars Calvin Abueva, Troy Rosario, Matt Ganuelas-Rosser, Gabe Norwood, Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Jayson Castro at Ryan Reyes.

Speak Your Mind

*