Ilang biyahe ng eroplano sa Sweden, naantala dahil sa solar storms

Naantala ng ilang oras ang operasyon ng ilang mga paliparan sa Sweden dahil sa tinatawag na solar storms o ang biglaang paglalabas ng higit na enerhiya ng araw.

Sinabi ni Por Froberg, Spokesman ng Civil Aviation Agency ng Sweden na dahil sa solar flare ay pansamantala munang hindi pinalipad ang mga eroplano sa nasabing bansa dahil sa magnetic field.

Naapektuhan ng nasabing solar phenomena ang air traffic control facilities ng mga paliparan ganun din ang linya ng mga telepono pati na rin ng internet.

Dahil sa solar storms ay naantala ang lipad ng ilang mga eroplano papasok at palabas ng Stockholm.

Wala namang naitalang solar storms sa mga kalapit na bansa ng Sweden tulad ng Finland at Denmark.

Speak Your Mind

*