Ilang gas station, nagtupad ng dagdag presyo ng ibinibintang LPG

Nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang isang malaking kumpanya ng langis ngayon araw.

Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagtaas sa presyo ng piesta gas at gasul ng P2.95 kada kilo na katumbas ng P32.45 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo kaninang umaga.

Bukod pa sa cooking gas nagdagdag din ng halaga ng kanilang xtend auto lpg ng p1.65 kada litro.

Base sa ipinadalang text massages ni Raffy Ledesma ng Petro Corporation ang bagong pagtaas sa presyo ng LPG at Auto-LPG ay bunsod ng paggalaw presyuhan ng langis sa pandaigdigan pamilihan.

Huling nagtaas ng kanilang presyo ng LPG noong oktubre 1, na halos isang buwan ang lumipas ng piesta gas at gasul ng P1.65 kasa kilo na katumbas ng P18.15 kasa tangke na tumitimbang ng 11 kilograms.

Speak Your Mind

*