Ilang magsasaka sa Pangasinan, namumroblema na sa tag-tuyot

Nahaharap ngayon sa panibagong problema ang ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan.

Natutuyo at bitak-bitak ang lupa sa ilang sakahan sa lalawigan dahil sa nararansang matinding init ng panahon.

Ayon kay Provincial Agriculturist Dalisay Moya, bilang tulong sa mga magsasaka at paghahanda sa El Nino ay nagpapatupad na ng irrigation projects ang provincial government.

Nagsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng pagsasaayos ng communal irrigation system.

Sa bayan ng Sta. Barbara naman ay ilan lamang mga magsasaka ang apektado ng tagtuyot.

Sinabi ni Municipal Agriculturist Cirila Capua na ito ang mga naatrasadong nag-ani ng kanilang mga pananim.

Speak Your Mind

*