Isang bangko sa Calasiao, nagsara, higit 3,000 depositors, apektado

Nagsasagawa na ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ng imbentaryo sa nagsarang Rural Bank of Calasiao, Inc.

Ang bangko ay isinara alinsunod sa kautusan ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Higit 3,000 depositors ang apektado sa pagsasara ng bangko.

Paliwanag ni Karen Ventajar, ang Information Officer ng PDIC bilang liquidator at receiver ay hahanapin nito ang assets ng rural bank at kokolektahin ang pagkakautang.

Sa November 26, dakong alas nuebe ng umaga ay nagtakda ang PDIC ng depositors and borrowers forum sa munisipyo ng Calasiao.

Puntirya naman ng PDIC na mabayaran ang mga depositors sa pangalawa o ikatlong linggo ng Disyembre.

Speak Your Mind

*