Isang buwan na Adivay Festival sa Benguet, ilulunsad sa November 6

Ilulunsad ng Provincial Government ng Benguet ang isang buwang Adivay Festival sa simula sa November a-sais.

Ang Adivay ay salitang Ibaloi na ibig sabihin ay pagsasama-sama, pagpapakita ng sining, kultura, turismo at mga lokal na produkto ng 13 bayan sa Benguet.

Ang tema ngayong taon ay Sustaining Benguet’s Gains.

Sa November 6 ay magaganap ang isang misa na susundan naman ng pagpili sa Mr. and Miss Benguet 2015 Darling of the Press.

Ilang pa sa mga inihandang aktibidades ay ang mass weddings sa iba’t ibang bayan, Job Fair, Trade Fair, Horse Racing, Diskwento Caravan, Investment Forum, Skills Competition at Day of Prayer.

Speak Your Mind

*