Isang Pangasinense, kabilang sa nabiktima ng tanim-bala sa NAIA

Kabilang ang isang Overseas Filipino Worker o OFW mula sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan sa mga biktima ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kuwento ng ina nang OFW na si Melody Valdez, patungo sanang Qatar ang kanyang anak para magtrabaho ng maharang ito sa naia dahil nakitaan daw ng bala sa bag.

Ayon pa kay Virginia Valdez, umiiyak na tumawag sa kanya ang kanyang anak at humihingi ng tulong na naantala ang pag-alis sa dapat sanay pagtatrabaho sa ibang bansa para makabayad sa pagkaka-utang at pagpapa-aral sa tatlong anak.

Nagsusumamo naman ng tulong si Valdez mula sa gobyerno na mabigyang hustisya ang anak sa pagkakabiktima ng tanim-bala.

Sa ngayon, pansamantalang nakalaya sa pagkakakulong si Melody at ang kasamahan nitong biktima ng tanim-bala sa tulong narin ng Public Attorney’s Office o PAO.

Speak Your Mind

*