ISIS, inabsuwelto ng pamahalaan ng Egypt sa pagbagsak ng isang Russian Airbus

Tiniyak ng gobiyerno nang Egypt na walang kinalaman ang ISIS sa pagbagsak nang Russian Airbus A-321 Kogalymavia Flight 9268 sa kabundujan nang Sinai, Egypt nitong sabado na ikinasawi nang dalawandaan at dalawampu’t apat na katao.

Kaugnay nito, nagsasagawa na nang joint investigation ang mga awtoridad nang Russia at Egypt.

Ayon sa gobiyerno nang Egypt, posibleng nagkaroon lang nang technical fault ang eroplano.

Nauna rito, nagpahayag na ang Sinai-Based na grupo nang Sinai State na target nila ang naturang eroplano bilang katapatan sa IS Militants.

Natagpuan na ang black box na magdedetermina sa pagbagsak nang eroplano.

Speak Your Mind

*