James Yap, dumalo sa first communion ng anak nila ni Kris Aquino na si Bimby

Sumipot ang PBA player na si James Yap sa first communion ng anak nila ni Kris Aquino na si Bimby ngayong araw, November 26.

Ito ay matapos mag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng hinaing tungkol sa kakulangan diumano ng kusa ni James para sa kanilang anak.

Ikinuwento ni Kris sa Instagram na matagal na raw niyang tinext si James tungkol sa mahalagang okasyon na ito para sa kanilang anak, subalit hindi umano sumagot ang dating asawa.

Taliwas ito sa sagot ni James sa isang nag-comment sa Instagram, kung saan sinabi nitong sumagot na siya kay Kris “matagal na.”

Sa kanyang Instagram ngayong umaga, nag-post ang TV host-actress ng mga larawan mula sa first communion ni Bimby kasama ang dating asawa na si James, gayundin ang mga mahal sa buhay ni Kris, kabilang ang kaibigang si Vice Ganda.

Speak Your Mind

*