Janella Salvador, excited nang makatrabaho si Elmo Magalona

Masaya ang young actress na si Janella Salvador na siya ang ipapareha sa bagong kapamilya na si Elmo Magalona.

Isang teleserye ang unang project nina Janella at Elmo na may title na “Born For You” sa ilalim ng Dreamscape Productions.

Kapwa umaawit ang dalawa, dahil na rin isa kanilang mga magulang na singers kung saan ang ama ni Elmo ay ang namayapang “Master Rapper” ng Pilipinas na si Francis Magalona.

Samantala, umaasa naman si Janella na tatangkilikin ng kaniyang mga fans ang bago niyang project kahit hindi na si Marlo Mortel ang kaniyang makakasama.

Speak Your Mind

*