Janella salvador, kakanta ng theme song ng 10th anniversary ng Disneyland

Napili ang teen actress/singer na si Janella Salvador bilang isa sa mga aawit para sa theme song ng ika-10 taong anibersaryo ng Disneyland Hong kong.

Makikita sa instagram post ng tinaguriang OPM Pop Sweetheart ang larawan ng labis na kasiyahan kung saan nag-shoot sila ng video music sa mismong theme park.

Ayon kay Janella, 10 taon na ang nakaraan nang una siyang pumunta sa Disneyland na saktong opening year nito nang magdiwang siya ng kanyang ika-pitong kaarawan.

Sinabi pa teen actress na hindi lamang karangalan ito para sa kanya, kundi sa buong Pilipinas dahil makikita kung gaano kagaling ang mga pinoy.

Speak Your Mind

*