Janicel Lubina, pasok sa top ten at wagi sa best dress sa Miss International

Hindi man nakuha ang korona nananatili pa ring panalo sa puso nang mga pilipino ang pambato nang pilipinas na si Janicel Lubina sa kakatapos pa lang na 2015 Miss International Pageant na ginanap sa Tokyo Japan.

Pasok sa top 10 finalist si Janicel at binigyan nang parangal bilang best dress award.

Kinoronahan bilang Miss International si Miss Venezuela na lumutang ang ganda mula sa siyamnapu’t siyam na mga kandidata mula sa iba’t-ibang panig nang mundo.

Tinanghal namang first runner-up ang Honduras, second runner-up ang Kenya, third runner-up ang Vietnam at fourth runner-up ang USA.

Itinuturing na Mala-Cinderella nang Pilipinas ang buhay ni Janicel dahil sa kaniyang pinanggalingan na dating kasambahay na nangarap na abot kamay na sanang mga pangarap para makoronahang Miss International.

Nais din ni Janicel na maging inspirasyon siya nang mga kabataan ngayon dahil hindi aniya hadlang ang pagiging mahirap para magtagumpay sa buhay.

Speak Your Mind

*