Jersey ni NBA Star Michael Jordan, nabili na sa isang auction

Umaabot sa mahigit isandaang libong dolyar ang pinagbentahan ng Basketball Jersey ni NBA Star Michael Jordan sa isang auction.

Ang jersey ay sinuot ng NBA MVP noong April 18,1998 ng talunin nila ang New York Knicks sa iskor na 111-109.

Umabot sa 44 points ang kabuuang puntos na nagawa ni Jordan sa larong iyon.

Sinabi ni Goldin Auctions na hindi naglalayo si Jordan kay Baseball Star Babe Ruth na maraming bumibili ng mga gamit nito sa auction.

Ngayong taon din ito ay naibenta sa auction ang sapatos ni Jordan na isinuot niya noong 1996 NBA finals sa halagang $34,160.

Speak Your Mind

*