Jessy Mendiola at JM de Guzman, kumpirmadong hiwalay na

Kinumpirma ng actress na si Jessy Mendiola na nagdesisyon na sila ni JM de Guzman na tapusin na ang kanilang relasyon sa pangalawang pagkakataon.

Ayon kay Jessy, ginawa nila ang desisyon dahil sa kani-kanilang mga prioridad sa buhay.

Kasabay nito, inihayag ng aktres na nanatili silang magkaibigan ni JM.

Matatandaang unang tinapos ng dalawa ang kanilang two year relationship noong 2013 ngunit muling nagkabalikan noong abril ngayong taon.

Una rito at naging usap-usapan ang muling paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga hugot post ni JM sa instagram nito.

Speak Your Mind

*